MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 10,490 na examinees ang nakakumpleto sa tatlong araw na 2024 Bar examinations.
Ito ay pinangangasiwaan ng Supreme Court (SC) sa 13 na local testing centers (LTCs) sa buong bansa.
Una nang sinabi ng SC na ang pinakamatandang examinee ng bar exams ngayong taon ay 78-anyos habang 23-anyos naman ang pinakabata.
Isinagawa ang 2024 Bar exams noong Setyembre 11, 13 at 15 sa 13 local testing centers nationwide.
Inaasahang mailalabas ang resulta ng pagsusulit sa unang bahagi ng Disyembre.
Ang mga subject na kinuha ng mga examinee noong Setyembre 15 ay Criminal Law sa umaga at Remedial Law at Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises naman sa hapon.
Habang ang apat na iba pang paksang pinag-aralan sa unang dalawang araw noong Setyembre 8 at 11 ay Political and Public International Law, Commercial and Taxation Laws, Civil Law at Labor Law and Social Legislation.