Titser, mister na seaman todas sa sunog

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa na hindi na nakalabas ng buhay matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Matalava, Lingayen, Pangasinan noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Wendy Repato, 35, seaman, at Ronaly de Guzman Repato, 31, public school teacher.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:40 ng hapon ay nakaamoy si Roger de Guzman, ama ni Ronaly ng nasusunog sa loob ng kusina at  kasunod ang malakas na tunog at nagliliyab na pala ang bahay.

Hindi nakalabas ng tahanan ang mag-asawa na umano ay kapwa mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang kwarto. Naapula ang apoy pagsapit ng alas-3:28 ng hapon at iniimbestigahan pa ang dahilan ng sunog.

Show comments