Pag-upgrade ng PCG itinulak sa Kamara
MANILA, Philippines — “Papaano mabantayan ng ating PCG ang West Philippine Sea (WPS) kung kulang o wala silang gamit”?
Ito ang inihayag ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo matapos lumusot sa Kongreso sa ikalawang pagbasa ang House Bill 10841 o ang Philippine Coast Guard Modernization Act noong nakaraang linggo. “Kung ano ang kailangan ng ating coast guard, ibigay kasi nakasalalay sa kanila ang pagbantay sa WPS para hindi tuluyang makamkam ang ating teritoryo,” ani Tulfo.
Ayon pa sa mambabatas, makabagong gamit ang kailangan ng PCG para makaresponde ng maayos ang mga tauhan natin at hindi na lang basta binu-bully. Ang nasabing panukalang batas at magbibigay ng P5 bilyon pondo sa PCG taun-taon para makatugon sa anumang sitwasyon sa mga panahon ngayon. “We are facing a serious kind of threat na kailangan tugunan natin dahil soberenya nga ating bansa ang nakataya dito,” ani Tulfo.
- Latest