Puganteng Koreano inaresto sa BI head office
MANILA, Philippines — Isang Korean na wanted sa kanilang bansa ang dinakip sa loob mismo ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila habang nagpoproseso ito ng kanyang bagong pasaporte.
Hindi pinangalanan ng mga otoridad ang 56-anyos na Koreano na sinasabing pinaghahanap ng mga otoridad sa South Korea magmula pa noong 2021 na tumangay ng higit sa $1milyong dolyar sa pamamagitan ng mga pekeng loan application. Nakalista rin ang pangalan nito sa red notice ng Interpol.
Nahaharap ngayon sa deportation ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa pasilidad ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig, habang hinihintay ang karagdagang legal proceedings kaugnay nito.
- Latest