^

Police Metro

Chinese, misis na Pinay na dinukot sa Metro Manila, na-rescue sa Batangas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga awtoridad sa Laurel, Batangas ang isang Chinese at misis nitong Pinay na dinukot sa Metro Manila.

Ayon sa inisyal na report, pasado alas-3:00 ng madaling araw ng Biyernes nang makarating sa isang animal quarantine checkpoint sa Diokno highway, sa Brgy San Gregorio, Laurel, Batangas ang mga biktimang sina alyas Shi, 36 at Pinay na misis na si Alyas Milagros, mga residente ng Sto. Niño, Parañaque City.

Humihingi ang mga ito ng tulong matapos na pakawalan sila ng mga hindi nakilalang kidnapper na dumukot sa kanila.

Ayon sa mag-asawa, kinuha sila ng mga hindi nakilalang mga kalalakihan sa kanilang bahay sa Para­ñaque City at isinakay sa isang hindi matukoy na kulay silver na sasakyan at ibiniyahe sa hindi nila alam na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na inabandona ng mga kidnaper ang dalawa sa may boundary ng mga bayan ng Calaca at Laurel sa Batangas.

Hindi naman sinabi ng mga ito kung bakit sila pinakawalan ng mga kidnaper.

  

vuukle comment

KIDNAPPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with