^

Police Metro

4 patay nang madaganan ng nabuwal na puno

John Unson - Pang-masa

COTABATO CITY, Philippines — Apat ang nasawi, tatlo sa kanila mga babaeng estud­yante ng isang Islamic school, nang mabagsakan ng isang malaking punongkahoy na nabuwal ng malakas na hangin nitong Biyernes sa Barangay Cabsaran sa Malabang, Lanao del Sur.

Ang tatlong mga mag-aaral na mga biktima ay mga estudyante ng Al-Falah Qur’an Learning Centre sa naturang bayan. Sakay ng tricycle ang apat na mga biktima ng masapol ng nabuwal na puno.

Kinumpirma nitong Sabado ng Ministry of Social Services and Development-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MSSD-BARMM) ang insidente na kaagad namang nirespondehan ng mga kawani nito sa Lanao del Sur.

May tatlo pang mga biktimang nadaganan ng mga sanga ng punongkahoy na nabuwal ang naisugod sa pampublikong Serapio Montañer Memorial Hospital sa Malabang, nabigyan na ng inisyal na ayuda ng MSSD-BARMM.

Sa direktiba ng MSSD-BARMM regional office, agad pinaabutan ng mga kawani nito sa probinsya ng ayudang pagkain at iba pang relief supplies ang mga pamilya ng apat na mga nasawi sa insidente.

Tutulungan din sila ng MSSD-BARMM sa pagpalibing ng apat na nasawi sa insidente na agad na ilili­bing ng kani-kanilang mga pamilya ayon sa tradisyon ng Islam religion.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with