MANILA, Philippines — Sinisiyasat na ng Department of Justice (DOJ) ang napaulat na nag-alok umano ng P1-bilyon sa isang negosyanteng Filipino-Chinese ang pinatalsik na si Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para matulungan siya sa mga legal na problemang kinasasangkutan sa bansa, ayon kay Secretary Jesus Crispin Remulla.
Kaugnay ito sa pagbubunyag ni dating senador Panfilo Lacson sa panayam ng isang radio na ang kaibigan niya na may kontak sa First Family ay nilapitan ni Guo bago pa siya lumabas ng bansa.
Naniniwala si Remulla na hindi ordinary, kung di isang “extremely talented” si Guo sa pagsasabing :“Her game runs deep. Her game is very sophisticated.”
Aniya, posibleng may bilyun-bilyong piso na ang pinagagalaw para maisalba si Guo sa mga kinasasangkutang mga kaso.
Nitong Biyernes, inaprubahan na ng DOJ prosecutors ang pagsusulong sa korte ng kasong qualified human trafficking na inihain ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban kay Guo et al.