Kasong graft ni Alice Guo nalipat sa Valenzuela RTC
MANILA, Philippines — Ililipat mula sa Regional Trial Court ng Capas, Tarlac patungong Valenzuela Regional Trial Court ang graft case ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, nag-isyu si Capas Tarlac RTC 109 Presiding Judge Sarah Vedaña-delos Santos nang kautusan kung saan sinasabing kinakansela nila ang nakatakda sanang arraignment at pre-trial kay Guo kahapon dahil wala silang hurisdiksyon sa kaso ng sinibak na alkalde.
Batay pa sa impormasyon, hawak na ng Valenzuela RTC ang graft charges laban kay Guo at sa susunod na linggo ay ira-raffle ito kung saang branch at sinong judge ang hahawak ng kaso.
Si Guo, na nahaharap sa mga reklamong human trafficking, undesirability at misrepresentation sa ilalim ng Philippine immigration laws, ay ibinalik sa bansa mula Indonesia noong Setyembre 6.
- Latest