^

Police Metro

Driver/bodyguard napagkamalang amo, todas

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang driver-trusted aide ng may-ari ng Lady Land Developer ang nasawi nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa pag-aakalang ito ang may-ari naganap kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Pedro, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ang nasawing biktima na si Zeus Javier Magnaye, 31, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Ayon kay San Pablo City police chief, P/Lt. Col. Wilhemino Saldivar Jr. na ang biktima ay posibleng napagkamalan ng mga suspek na siya ang boss ng land developer firm. Sinabi ni Saldivar na dalawang armadong lalaki na kinilalang sina Gerald Zita 20, isang nangungunang kolektor at kasabwat nitong si Arjie Almanzor, 23, tubong Masbate ay naaresto sa hot pursuit operation sa katabing lugar ng Barangay San Pedro, San Pablo City ilang sandali matapos ang krimen.

Nabatid na si Magnaye at ang kanyang amo na nakilalang si alyas Castillo ay sakay lamang ng motorsiklo galing sa kanilang kliyente at pa­punta sa bahay ng may-ari at may dalang malaking pera nang pagbabarilin ng nakamotor na mga suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with