Higit P777 milyong droga sinunog ng PDEA
MANILA, Philippines — Nasa P777,624,682.82 halaga ng mga illegal drugs na nasabat ng mga otoridad sa kanilang mga operasyon ang sinunog na kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI), Barangay Aguado,Trece Martires City, Cavite.
Ayon sa report, tumitimbang ng 1,474,916.7594 grams ang solid illegal drugs at 378.5 milliliters ng illegal drugs ang sinira gamit ang thermal decomposition o thermolysis.
Nabatid na karamihan sa mga winasak na illegal drugs ay 66,720.7640 grams ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu; 1,390,743.5422 grams ng Marijuana; 14,145.4798 grams ng MDMA o ecstasy; 428.4432 grams ng Cocaine; 1,665.3900 grams ng Ephedrine; 1,073.8415 grams ng Psilocin; 206.5 milliliters ng liquid meth at 172 milliliters ng liquid marijuana.
Ipinasok sa incinerator chamber sa init na higit 1,000 degrees centigrade hanggang maging abo.
Ang pagsunog at pagwasak sa mga illegal drugs ay batay na rin sa kautusan ng korte.
- Latest