4 HVI timbog sa P6.8-M shabu buy-bust

MANILA, Philippines — Apat na umano’y high value individuals (HVI) ang naaresto sa drug bust operation sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alias Oscar, 40; alias Verly, 33; alias Sittie, 32; at alias Jesus, 50 na kung saan ay nasamsam sa kanila ang dalawang plastic bag na naglalaman ng nasa 1,010 gramo ng umano ay shabu na nagkakahalaga ng P6,868,000.

Ang mga naarestong suspek ay sangkot sa distribution ng bultuhang droga particular ang shabu sa lalawigan ng Rizal at mga katabing lugar kabilang ang Metro Manila.

Nakatakdang kasuhan ang apat sa Violation of Article II of RA 9165 known as Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.

Show comments