^

Police Metro

Kelot inutas ng mag-ama dahil sa pityas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 20-anyos na lalaki matapos pagtulungang saksakin ng mag-ama nang magtalo sa larong pityas o pool sa Pamplona, Cagayan, iniulat kahapon.

Ang biktimang nasawi ay kinilalang si Francis Mangibunong, residente ng Brgy. Masi, Pamplona.

Sumuko naman ang mag-amang suspek na kinilalang sina Rexie Baluscang,  52; at anak nitong si Richtofen Baluscang, 22,  kapwa nakatira sa nabanggit na lugar.

Ayon kay PMajor Llewelyn Guzman, hepe ng PNP-Pamplona, alas-11:00 ng gabi noong Martes nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya,bago ang krimen ay naglalaro ng pool ang biktima at isang James Mangrubang at natalo ang isa sa mga ito na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Nasa gitna ng pagtatalo nang sumali ang suspek na si Richtofen at nakasuntukan si Mangibunong hanggang sa bumagsak ang una sa semento.

Umuwi ng bahay ang batang suspek at nagsumbong sa kanyang ama at niresbakan ang biktima na armado ng 15 pulgada ng kutsilyo at pinagsasaksak sa dibdib ang biktima.

Matapos ang krimen nagawa pang makahingi ng saklolo ang biktima at dinala ito sa ospital,subalit idineklara na rin itong patay.

Nakonsensiya ang mag-ama sa ginawang krimen at sumuko sa pulisya na kung saan ay kakasuhan ng homicide.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with