Iba pang mga biktima ni Quiboloy lulutang

Photo shows Kingdom of Jesus Christ church founder Apollo Quiboloy.
Pastor Apollo Quiboloy/Facebook

MANILA, Philippines — Asahan na ang pag­lutang ng iba pang biktima ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police Spokesperson PCol. Jean Fajardo kaugnay ng pagpapatuloy sa  imbestigasyon ng kasong pang-aabuso ni Quiboloy.

Ayon kay Fajardo, sa loob ng higit dalawang linggong operasyon sa paghahain ng warrant of arrest laban kay Quiboloy ay maraming biktima ang  lumapit sa kanila upang ibunyag ang pang-aabuso ni Quiboloy.

Sa katunayan, mismong ang mga magulang ng mga biktima ang lumapit sa mga otoridad para isuplong ang mga pang-aabusong dinanas ng kanilang mga anak sa kamay ni Quiboloy.

Tumanggi naman si Fajardo na magbigay ng mga karagdagang detalye ukol dito at kung ilan ang mga complainant at tiniyak na sapat ang seguridad sa mga biktima.

Kasalukuyan nang isinasailalim ng pulisya sa kaukulang dokumentasyon upang maisampa na ang panibagong kaso sa korte.

Show comments