Kaya natunton ng pulisya
MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na may mga insider sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC), gaya ng ilang babaeng miyembro na naging susi upang matunton si Pastor Apollo Quiboloy.
Nasukol umano si Pastor Quiboloy sa loob ng “bible school” sa KOJC Compound sa Davao City, noong Linggo.
Sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes, nilinaw ni Police Regional Office-11 Director, Brig. Gen. Nicolas Torre III na “formality” na lamang ang pagsuko ng religious leader.
Dahil anya, napapalibutan na si Quiboloy ng mga tropa ng gobyerno sa ACQ College of Ministry, sa loob ng compound kaya’t napilitan nang sumuko.
Nabatid na alas-10:00 pa lamang ng umaga nang magpadala ng surrender feelers ang kampo ni Quiboloy makaraang mapagtanto ng mga KOJC members na pinalibutan na sila ng mga pulis.
Binigyan aniya nila ng ultimatum si Quiboloy nang hanggang ala-1:00 para sumuko dahil kung hindi ay gagamit na ng pwersa ang mga pulis pero pinalawig hanggang alas-3:00 ng hapon para sa negosasyon hanggang sa sumuko ang religious leader.