MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P775.2 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa dalawang magkasunod na drug operation na ikinaaresto ng tatlong drug suspect sa Imus City, Cavite, kamakalawa ng gabi.
Unang operasyon ay inilatag, alas-6:26 ng gabi sa Brgy. Pasong Buaya II at naaresto ang dalawang suspek na sina alyas Larry, 37; mekaniko at alyas Jan, 26, motor shop owner, kapwa kilala umanong bigtime drug dealer at pusher sa Region 4-A.Nakumpiska sa mga ito ang may 210 kilong shabu na may halagang P748 milyong piso.
Dakong alas -9:58 naman ng gabi nang ikasa ang ikalawang buy-bust sa Brgy. Buhay na Tubig ng nasabi ring lungsod at naaresto ang isang alyas Adie, nasa hustong gulang, kilala ring bigtime dealer at pusher ng lalawigan at nakumpiska ang 4 transparent vacuum sealed plastic pack na naglalaman ng 4 kilo ng shabu na may halagang P27.2-M. - Cristina Timbang, Ed Amoroso-