MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kontrobersiyal na selfie ng kanilang mga ahente kasama si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo lulan ng isang sasakyan.
Kasunod ito ng sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na hindi sapat ang “sorry” sa ipinakita ng mga sangkot na unprofessionalism nang mahuli si Guo.
Ayon kay NBI Director Jimmy Santiago sa isang pulong balitaan kahapon sa Maynila, inaasikaso na ng kanilang internal affairs ang nangyari.
Bagama’t hindi sapat ang sorry, nanghingi ng paumanhin si Santiago hindi lang sa publiko at DOJ, kundi pati na rin sa kanyang mga ahente dahil sa kanya aniya nanggaling ang litrato na ipinadala sa media.
Paliwanag niya, nanghingi lamang siya ng “proof of life” mula sa kanyang mga ahente para mapatunayang nahuli na nga ito at nasa kanilang kustodiya na.
Anya, pati siya ay napahiyaw sa tuwa dahil sa pagkakaaresto kay Alice Guo matapos ang puspusang paghahanap na mas pinaigting pa nang mahuli ang hinihinalang kapatid nitong si Shiela Guo at ang Porac POGO incorporator na si Cassandra Ong sa Indonesia.