MANILA, Philippines — Naaresto nang pinagsanib na operatiba ng Human Trafficking, Organized and Transnational Division, Technical Intelligence Division at Anti Violence Againts Women ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 katao na responsable sa “Lover Boy Tactic” operation gamit ang Telegram Platform sa modus.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, sa 10 suspek ang 6 ay Chinese na kinilalang sina Shuang Yuan Wang; Shao Jian Yong; Fung Jie Sin; Huang Qi; Huang Shuai; at Liu Ze Jun habang ang 4 na Pinoy ay sina Rochelle Maglanque Magat; Ma Jessica Buenaventura; Justin Caladiao Cao; at Faiudz Abdula Maguindao.
Nabatid na ang grupo ay nagsasagawa ng human trafficking network sa Shore Residences Pasay City gamit ang social media at online platforms, generative AI, encryption at anonymity tools at online market place sa kanilang illegal sex trade at nag- aalok ng trafficked victims para sa sexual service kasama na ang mga minors. Pawang mga Chinese umano ang parukyano ng grupo dahil sulat Intsik ang pangalan ng site pero mga Pinay ang inaalok sa mga kliyente.
Sinabi ni Santiago na sa 27 naisalbang mga biktima 6 dito ay mga minor at ang mga ito ay nai-turn over na sa DSWD para sa kaukulang custody.
Nakuha mula sa mga suspek ang ibat ibang klase ng sex toys, mga damit na gamit sa illegal operation.
Ang mga nasakoteng suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Anti Trafficking in Person Act of 2022 at Cybercrime prevention Act of 2012.