^

Police Metro

Mag-asawang negosyante niratrat sa tindahan, todas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Niratrat ang mag-asawang negosyante ng mga hindi nakilalang sala­rin sa harap ng kanilang tindahan kahapon ng madaling araw sa Batangas.

Hindi na umabot ng buhay sa Bauan Gene­ral Hospital ang mag-asawang Marlon de Torres, 52 at misis na si Angelina, 50 dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ng Bauan police station, alas-4:30 ng madaling araw nang mangyari ang pamamaril sa tindahan ng mag-asawa sa ikalawang  palapag ng Pamilihang Bayan ng Bauan, Barangay Poblacion 3.

Magbubukas pa lamang ang mag-asawa ng kanilang tindahan nang biglang pagbabarilin ng mga suspek.

Ayon sa isang saksi, nakarinig na lamang siya ng mga putok, pero hindi na niya nakita ang mga salarin at nagtago na siya sa loob ng kanyang tindahan dahil sa takot.

Agad ding tumakas ang mga salarin matapos na kunin ang pera ng mag-asawa na isa mga tinitignang motibo ng pulisya sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with