^

Police Metro

Kagawad at nanay kinatay ng kapitbahay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 55-anyos na barangay kagawad at ina na 84-anyos ang nasawi nang ataduhin ng saksak ng kapitbahay na nanloob sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Rizal, Laguna.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay nina Edwardo Castillo, barangay kagawad at ina nito na si Catalina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Pauli-2.

Sa pagsisiaysat ni PMSG Ronald Balbuena, ng Rizal Municipal police station, nangyari ang insidente pasado, alas-2:30 ng madaling araw nang pasukin ang kanilang bahay habang natutulog ng suspek na si alyas Bating.

Tangkang pagnakawan ng suspek ang bahay, subalit nagising si Edwardo at ina at nakilala ang suspek kaya nagkaroon ng komosyon sa loob hanggang sa pagsasaksakin ng una ang mag-ina na agad nasawi.

Naaresto naman ng mga otoridad ang suspek sa follow-up operation na nakakulong at nakatakdang sampahan ng dalawang bilang ng kasong murder.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with