MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin ang isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa nag-viral na selfie photo ng kanilang tauhan nang sunduin sa Indonesia ang naarestong si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
“Ako po ay humihingi ng paumanhin din kasi actually ‘yung picture po na ‘yon ay it was not supposed to be disseminated publicly,” pahayag ni BI Fugitive Search Unit chief Rendel Ryan Sy sa Super Radyo dzBB.
Idinagdag pa niya na ang kuhang iyon ay isang “sitrep” (situational report) para ipadala sa tanggapan ng BI sa Pilipinas at hindi pa niya tukoy kung sino ang nag-post sa social media.
Ikinagulat aniya, niya na agad kumalat ang nasabing selfie photo sa social media.
Sa isyu naman ng nakangiting kuha ng BI agents, naniniwala si Sy na “sign of relief” ito dahil tagumpay na maiuuwi si Guo sa bansa.
“And nakita rin po natin doon na hindi maitago ‘yung ngiti ng ibang ahente sa picture na ‘yon kasi sa tingin ko po ay sign of relief. Kasi ‘yon po ang time na unang naibigay sa atin si Alice Guo,” anang opisyal..
Una nang nagkomento si Senator Risa Hontiveros na hindi marapat itratong parang celebrity si Guo, habang si Senator Joel Villanueva rin ang nagpahayag na isang “unprofessional” ang ikinilos ng mga tauhan ng ahensya.
Inatasan na ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang mga opisyal na mag-isyu ng issue show cause orders laban sa nakipag-selfie kay Guo.