^

Police Metro

2 suspek sa Tagaytay shootout, pinalaya Sa pagkamatay ng 2 pulis at abogado

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang umano’y “kasabwat” sa naganap na madugong shootout sa Tagaytay City na ikinasawi ng dalawang police captain at kabarilang abogado ang pinalaya mula sa kustodya ng pulisya, nitong Linggo ng hapon.

Sa ulat, sina Elver Mabuti at Benedicto Hebron, isang retiradong sheriff, ay pinakawalan sa bilangguan matapos silang payagan ng City Prosecutor’s Office para sa kanilang pansamantalang kalayaan, ayon sa insider ng binuong Task Group na nag-iimbestiga sa naganap na barilan.

Ayon sa isang reliable source, nag-isyu ang Prose­cutor’s Office ng “release order” para kina Mabuti at Hebron dahil sa “lack of probable cause” o kawalan ng sapat na dahilan at sila ay pinakawalan para sa karag­dagang imbestigasyon.

Sinabi ng Task Group official na sina Mabuti at Hebron ay nananatili namang suspek sa krimen.

Magugunita na kasa-kasama sa sasakyan ng abodagong si Denis Santos sina Mabuti at Hebron nang makipagbarilan ang una sa dalawang pulis na sina Capt. Adrian Binalay ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) at Capt. Tomas Batarao Jr. ng Calabarzon Police Personnel Holding and Accounting Section, matapos silang magkainitan sa umano’y tangkang pagpasok sa pinag-aawayang lote sa Prime Peak Subdivision sa Brgy. Maitim, Tagaytay City, Cavite nitong Linggo ng alas-2 ng hapon.

Sa kabila nito, sinabi ng source na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang anumang pagkakasalang kriminal nina Mabuti at Hebron na anila’y mga “accomplice” sa kaso.

Sina Mabuti at Hebron ay naaresto sa “hot pursuit operation” ng awtoridad sa Tagaytay Medical Center nang kanilang isugod rito ang kasamang si Atty. Santos, kasunod ng madugong pakikipagbarilan ng huli sa dalawang pulis.

PROSE­CUTOR’S OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with