Sa pagitan ng Pinas at Indonesia…
MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang magiging prisoner swap sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia matapos ang pag-aresto kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ipinaliwanag ni Marcos na walang opisyal na kahilingan mula sa gobyerno ng Indonesia para sa pagpapalit ng mga bilanggo.
Paliwanag ni Marcos, lumabas lamang ang isyu ito sa isang pahayagan sa Indonesia,subalit hindi pa ito opisyal bagamat hindi aniya naging simple ang pagpapauwi kay Guo sa Pilipinas.
“Hindi naging simple ang pagpauwi ni Alice Guo dito sa Pilipinas. It wasn’t simple at all. We were negotiating very intricate, very sensitive and very delicate details for the last, what, maybe 48 hours”, ayon pa sa pangulo.
Nauna nang naiulat na mayroong kahilingan ang Indonesia na i-swap kay Guo si Gregor Haas na isang Australian na wanted sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking na naaresto sa Cebu noong Mayo.