MANILA, Philippines — Hindi nagpiyansa sa Tarlac Regional Trial Court Branch 109 si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay ng kasong Anti Graft and Corrupt Practices Act na isinampa ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa kanya.
Ayon sa legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David hindi muna sila magpipiyansa at sa halip ay hihilingin sa korte na manatili muna si Guo sa kustodiya ng PNP Custodial Facility sa Camp Crame. Nasa P180,000 ang piyansa ni Guo sa dalawang kaso.
Subalit ayon naman kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, kung mananatili ang status quo order, mag-iisyu naman ang korte kung saan idedetine ang sinibak na alkalde.
Samantala, bandang alas-2:12 nang hapon nang makabalik sa PNP custodial facility si Guo sakay ng PNP coaster .
Ipinag-utos ng RTC Capas, Tarlac na mananatili muna si Guo sa kustodiya ng PNP.