MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Philippines Statistics Authority (PSA) na tumaas ng 4.7 percent ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho at karamihan dito naghahanap pa ng trabaho nitong Hulyo.
Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na sa preliminary result ng Labor Force Survey (LFS) ng PSA nitong Hulyo, nagpakita na ang naturang unemployment rate ay tumaas o nasa 2.38 milyong jobless Pinoy, na mataas mula nang maitala ang 4.9 percent unemployment rate sa kaparehong period ng 2023. Mataas din ito sa 3.1 percent jobless rate noong Hunyo.
Sa naturang unemployment rate nitong Hulyo, ang youth labor force participation rate (LFPR) ay tumaas sa 34.2 percent mula sa 33.7 percent noong nagdaang Hunyo.
Bumaba naman sa 85.2 percent ang bilang ng mga kabataang may trabaho mas mababa ito sa 91.4 percent youth employment rate ng Hunyo.
Ang underemployment rate o mga taong naghahanap ng trabaho ay pumalo sa 12.1 percent noong Hulyo, mas mababa sa 15.9 percent underemployment rate ng kaparehong period ng 2023 o nasa 5.78 milyong Pinoy ang naghahanap ng trabaho o dagdag na oras ng trabaho.
Ang underemployment rate nitong Hulyo ang pinakamataas mula sa 14.6 percent underemployment rate.
Iniuugnay ni Mapa ang pagtaas noong Hulyo sa kawalan ng trabaho sa mga kabataan—edad 15 hanggang 24—sa panahong iyon, binanggit na marami sa mga fresh graduate mula sa kolehiyo at senior high school ay hindi na-absorb ng mga employer.