^

Police Metro

2.38 milyong Pinoy, tambay nitong Hulyo

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Philippines Statistics Authority (PSA) na tumaas ng 4.7 percent ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho at karamihan dito naghahanap pa ng trabaho nitong Hulyo.

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na sa preliminary result ng Labor Force Survey (LFS) ng PSA nitong Hulyo, nagpakita na ang natu­rang unemployment rate ay tumaas o nasa 2.38 milyong jobless Pinoy, na mataas mula nang maitala ang 4.9 percent  unemployment rate sa kaparehong period ng  2023. Mataas din ito sa 3.1 percent jobless rate noong Hunyo.

Sa naturang unemployment rate nitong Hulyo, ang youth labor force participation rate (LFPR) ay tumaas sa 34.2 percent mula sa 33.7 percent noong nagdaang Hunyo.

Bumaba naman sa 85.2 percent ang bilang ng mga kabataang may trabaho mas mababa ito sa 91.4 percent youth employment rate ng Hunyo.

Ang underemployment rate o mga taong naghahanap ng trabaho ay pumalo sa 12.1 percent noong Hulyo, mas mababa sa 15.9 percent underemployment rate ng kaparehong period ng 2023 o nasa 5.78 milyong Pinoy ang naghahanap ng trabaho o dagdag na oras ng trabaho.

Ang underemployment rate nitong Hulyo ang pinakamataas mula sa 14.6 percent underemployment rate.

Iniuugnay ni Mapa ang pagtaas noong Hulyo sa kawalan ng trabaho sa mga kabataan—edad 15 hanggang 24—sa panahong iyon, binanggit na marami sa mga fresh graduate mula sa kolehiyo at senior high school ay hindi na-absorb ng mga employer.

vuukle comment

PHILIPPINES STATISTICS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with