Pangulong Marcos sa ulat na naospital: Fake news
MANILA, Philippines — Isa umanong fake news ang napaulat na naospital umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong Martes.
Sa isang ambush interview kasunod ng situation briefing ukol sa epekto ng Tropical Storm “Enteng” sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na kalokohan lamang ang lumabas na balita lalo pa’t wala naman siyang sipon at maayos ang kanyang kalusugan.
“Ah! kasi lumabas yung ano, yung report — ‘yan ang kailangan ninyong bantayan. Do I look sick? ‘Yan ang kailangan nating bantayan, mga fake news na ganyan, unless it comes from a credible source. Tama, ang dami kong kaibigan tumawag sa akin, ‘Okay ka ba, Okay ka ba?’ Wala! Kalokohan lang ‘yan,” giit ng Pangulo.
“Well, it’s totally and completely fake. I do not even have a cold, I do not have anything wrong with me. I’m fine,” dagdag na pahayag ng Pangulo sabay sabing, “Thank you for your concern.”
Sinabi pa ng Pangulo na siya ay nasa Palasyo ng Malacañang lamang kahapon dahil mayroon siyang miting ng umaga.
Kaya nagulat aniya siya nang may nagsabi sa kanya na siya ay nagpa-medical emergency.
- Latest