^

Police Metro

Death toll kay ‘Enteng’: 15 na

Gemma Garcia - Pang-masa
Death toll kay �Enteng�: 15 na
Philippine Coast Guard personnel rescue flood victims of Tropical Storm Enteng in Bacoor, Cavite on Sept. 2, 2024.
Philippine Coast Guard / Released

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 15 katao ang nasawi dulot ng bagyong Enteng.

Ito ang iniulat ng Office of the Civil Defense (OCD) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) headquarters sa Camp Aguinaldo.

Ang mga nasawi ay nagmula sa mga lalawigan ng Rizal pro­vince, Cebu City, Northern Samar, Naga City at Negros Occidental. Habang nasa 21 katao naman ang naiulat na nawawala at 15 pa ang sugatan.

Sinabi ni Pangulong Marcos, na dapat magkaroon ng mas dynamic na assessment ang PAGASA sa pagbibigay ng babala sa lagay ng panahon.

Dapat din aniya na paghandaan ang dalawa pang parating na bagyo sa loob lang ng buwan na ito.

Inamin naman ng pangulo na naubos na ang stockpile ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pagdaan ng bagyong Carina.

Pero, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na nakabili na ng karagdagang supply ang DSWD at sa ngayon ay nagre-repack na para maipamahagi sa mga nasa­lanta ng bagyong Enteng.

vuukle comment

BAGYONG ENTENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with