Miyembro ng CAFGU, timbog sa P3.4 milyong shabu

Kinilala ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang naarestong CAFGU member na si Alonto Calauto Pampa at nasamsam sa kanya ang kalahating kilong shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Talub.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang naaresto sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Talub, Tamparan, Lanao del Sur, nitong Martes.

Kinilala ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang naarestong CAFGU member na si Alonto Calauto Pampa at nasamsam sa kanya ang kalahating kilong shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Talub.

Ayon kay Castro, ma­liban sa shabu, nakunan din ng isang .45 caliber pistol si Pampa ng mga PDEA-BARMM agents at mga magkasanib na mga kasapi ng Tamparan Municipal Police Station at ng Lanao del Sur Provincial Police Office.

Show comments