^

Police Metro

Patay kay ‘Enteng’: 13 na; 240K katao apektado

Joy Cantos - Pang-masa
Patay kay ‘Enteng’: 13 na; 240K katao apektado
Authorities conduct a retrieval operation for the bodies of victims who died in a landslide at Sitio Banaba in Barangay San Luis, Antipolo on Tuesday.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 13 katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Enteng habang umabot naman sa 240,000 katao ang naapektuhan ng mga pagbaha sa mga nasa­lantang rehiyon partikular na sa National Capital Region (NCR) at CALA­BARZON (Cavi­te, Laguna, Batangas, Rizal at Que­zon), ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes.

Ayon kay OCD Spokesman Edgar Posadas, walo sa mga nasawi ay mula sa lalawigan ng Rizal, tatlo sa Bicol Region at dalawa naman mula sa Central Visayas o Cebu.

“Meron po sa CALABARZON particularly sa Rizal po, walo po ang kinukumpirma natin diyan, karamihan po yung sa Antipolo landslide, ani Posadas.

Samantalang sa Cebu, ang dalawang nasawi ay nabagsakan ng gumuhong pader habang sa Bicol ay tatlo rin ang nasawi sa pagkalunod sa Naga City, Camarines Sur kabilang ang isang sanggol na babae na kanilang kinukumpirma.

Nasa 10 katao naman ang nasugatan sa Cebu sa kasagsagan ng pagbayo ni Enteng. Iniulat din na nasa 17 kabahayan ang napinsala sa Bicol, Western Visayas at Central Visayas.

Sinabi ni Posadas na sa kabuuan ng mga rehiyong nasalanta ni Enteng ay nasa 62,959 pamilya o nasa 240,000 katao ang naapektuhan kung saan pinakamarami dito ay sa Region V na nasa 22, 220 pamilya; Region III na nasa 18,092 habang sa NCR ay nasa 10,000 pamilya. Ang iba pang mga apektadong lugar ay ang Central at Eastern Visayas Region.

Inaasahan namang lalabas na si Enteng sa bansa ngayong araw ng Miyerkules.

BAGYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with