18,271 posisyon paglalabanan sa 2025 elections
MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 18,271 na posisyon ang nakahandang paglabanan sa pambansa at lokal na halalan sa susunod na taon, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ang bilang ng mga posisyon na maaring paglabanan ng mga kandidato sa 2025 midterm polls ay ang sumusunod: Senators-12; Party-list Representatives-63; House of Representatives members-254; Governor-82; Vice-Governor-82; Sangguniang Panlalawigan members-792; City Mayor -149; City Vice-Mayor-149; Sangguniang Panlungsod-1,582; Municipal Mayor-1,493; Municipal Vice-Mayor- 1,493; Sangguniang Bayan members-11,948; Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliament members-32; BARMM Party-list Representatives – 40.
Samantala, sinabi ng Comelec na natanggap nila ang pangalawang batch ng 8,640 newly manufactured automatic counting machines (ACM) na idedeliber sa warehouse ng Comelec sa Biñan City, Laguna.
- Latest