^

Police Metro

17 Pinoy seafarers na bihag ng mga Houthi rebels, ligtas na ang kalagayan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa ligtas nang kalagayan ang 17 Pinoy seafarers na binihag ng mga rebeldeng Houthi noon pang nakaraang taon.

Ito ang tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na kanyang inihayag kahapon sa Kapihan sa Bagong Pilipinas forum.

Siniguro rin ni Cacdac na gumagawa ng mga pamamaraan ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang mapabilis ang pagpapalaya sa mga tripulanteng Pinoy ng MV Galaxy Leader.

“We know na may coordination na, may pakikipag-usap na sa mga governments that have communication lines with the Houthis who are holding the 17 seafarers,” ayon kay Cacdac.

Matatandaang Nob­yembre 2023 nang kumpirmahin ng DFA na 17 Pinoy seafarers ang nakabilang sa mga dayuhang binihag ng Houthi rebels sa Yemen, nang hulihin nito ang sinasakyan nilang cargo ship sa southern Red Sea.

HOUTHI REBELS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with