^

Police Metro

10 patay kay ‘Enteng’, habagat

Mer Layson - Pang-masa
10 patay kay ‘Enteng’, habagat
Residents wade through heavy flooding along Felix Avenue and inner roads at the boundary of Cainta, Rizal and Pasig due to intense rain brought by Tropical Storm Enteng and the enhanced habagat on September 2, 2024.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasa 10 katao na mula sa Central Visayas, Rizal at Bicol Region ang nasawi sa mga pagbaha at landslide dulot ng pananalasa ng bagyong Enteng at habagat, batay sa pinagsamang ulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at lokal nitong tanggapan.

Sa report ng NDRRMC, dalawa ang nasawi at sampu katao ang nasugatan sa Central Visayas na kung saan ay 14 pamilya sa tatlong barangay dito ang apektado ng pananalasa.

Iniulat rin ang pagbagsak ng dalawang istraktura partikular na sa Brgy. San Jose, Tisa at Banilad; pawang sa Cebu City.

Sa Antipolo City, Rizal, iniulat ang pagkasawi sa landslide at pagkalunod ng anim katao.

Ayon kay CDRRMC Chief Relly Bernardo, dalawang bahay ang natabunan ng landslide sa Sitio Inapao, Brgy. San Jose na ikinasawi ng isang 12 at 15-anyos.

Sa ikatlong landslide ay patay rin ang isang 27-anyos na buntis na ginang na kapitbahay ng dalawang binatilyo.

Naiulat din sa Brgy. San Luis, Antipolo City ang pagkasawi sa pagkalunod ng isang 44-anyos na ginang at isang 4 anyos na bata.

Sa silangang bahagi ng Naga City, Camarines Sur ay nasawi naman sa pagkalunod ang dalawa katao kabilang ang isang sanggol na babae sa pag­ragasa ng flashflood.

Nasa mahigit 300 pamilya o 210,000 katao naman ang inilikas at dinala sa mga evacua­tion center sanhi ng hanggang dibdib at lagpas taong baha sa lugar. — Ed Amoroso, Joy Cantos

vuukle comment

ENTENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with