Barko nakaangkla sa Navotas, nagliyab; 1 crew nawawala

A ship catches fire in the waters off Navotas City amid the heavy rains from typhoon Enteng on Monday.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang barkong nakaangkla malapit sa Navotas Centennial Park ang nagliyab kahapon ng umaga sa gitna ng malakas na hangin na humahampas sa Metro Manila dahil sa bagyong Enteng.

Sa inisyal na ulat mula sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, nagsimula ang sunog pasado alas-9:00 ng umaga.

Nasa lugar na ang BFP at Philippine Coast Guard ngunit imposible ang firefighting at rescue dahil sa malakas na hangin at malakas na alon.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, pinaghahanap ng PCG ang isang crew member na naiulat na nawawala.

Hindi pa matukoy ng mga otoridad ang barko dahil hindi ito nakikita dahil sa malakas na alon at hangin na dala ni Enteng.

Show comments