2 arestado sa P13.6 milyong droga sa pantalan sa Sulu

MANILA, Philippines — Dalawa umanong drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust ope­ration nitong Sabado sa isang pantalan sa Sulu.

Inihahanda na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kaso laban sa dalawang naarestong suspek na sina Lala Jamih Ha­lisan, alyas Ben, 28; at Alwinir Kabran, 20 na kung saan ay nakumpiska sa kanila ang nasa P13.6 milyong halaga ng shabu.

Ayon kay PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Director Gil Cesario Castro na ikinasa ang seaport interdiction operation nitong Agosto 31 sa Barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu at nakuha sa dalawang suspek ang nasa 21 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng dalawang kilo at mga identification card.

Show comments