PNP chief, pinasisilip ang quota, reward system sa PNP
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang malalimang review sa isiniwalat ni Police Lt. Col. Jovie Espenido hinggil sa quota at reward system sa kampanya kontra droga na inimplementa ng administrasyong Duterte.
Sa pahayag ni Marbil kahapon, sinabi nito na seryoso ang akusasyon ni Espenido at mabigat ang ginawa nitong pahayag.
Siniguro rin ng opisyal sa publiko na magsasagawa ang PNP ng comprehensive assessment at evaluation sa pamamagitan ng kanilang oversight bodies.
“We take these allegations with the utmost gravity. The review panel, which is led by the Office of the Deputy Chief PNP for Operations (ODCO) and composed of the PNP Quad Staff, the Internal Affairs Service (IAS), and the Human Rights Office, has been tasked to thoroughly assess and evaluate Oplan Double Barrel, including Lt. Col. Espenido’s disclosures,” saad ni Marbil.
Ang kalalabasan ng review, ayon pa kay Marbil ay magiging krusyal sa magiging future strategies ng PNP sa laban sa iligal na droga kung saan naka-focus ito sa ngayon sa accountability at pagprotekta sa karapatang pantao.
Patuloy naman na matibay ang misyon ng PNP upang protektahan ang publiko na mayroong mataas na standard, integridad at respeto sa karapatang pantao dagdag pa ni Marbil.
- Latest