^

Police Metro

Misis at lover na sekyu huli sa akto ng mister

Cristina Timbang - Pang-masa
Misis at lover na sekyu huli sa akto ng mister
Kinilala ang security guard na si Leonil Seplo, guwardiya ng isang farm.
Pixabay / File

Sa loob ng guard house

MANILA, Philippines — Inaresto ang isang security guard matapos ireklamo ng kasong adultery at paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearm ng mister ng babaeng kanyang kinatalik sa loob ng guard house sa Lipa City, Batangas, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang security guard na si Leonil Seplo, guwardiya ng isang farm.

Ayon sa report, hinahanap ng 28-anyos na mister ang kanyang misis hanggang sa makara­ting ito sa bisinidad ng Unacho Farm at Purok 3, Brgy. San Francisco.

Narinig nito ang tila boses ng kanyang misis na umuungol sa loob ng guard house.

Sa dudang ang kanyang misis ang nasa loob, sinipa nito ang pinto at tumambad dito ang kanyang walang saplot na misis at nakapatong ang sekyu at nasa akto ng pagtatalik.

Agad himingi ng tulong ang mister sa mga barangay tanod, subalit tinutukan pa ito ng baril ng suspek na naagapan ng mga tanod at naaresto.

Sa imbestigasyon ng pulisya, walang maipakitang lisensya o anumang dokumento ang suspek sa kinumpiska ditong baril na Armscor 12 gauge shotgun.

Nakakulong sa Lipa City police station custodial facility ang suspek habang kakasuhan din ng mister ang kanyang misis na si Alyas Jenny ng adultery.

vuukle comment

SECURITY GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with