Romualdez patuloy ang pag-angat sa performance at trust rating – survey

Speaker Martin Romualdez.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa pinakahuling Tugon ng Masa (TNM) survey ng Octa Research na ipinalabas nitong Martes, Agosto 27 ay patuloy ang pag-angat sa survey ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na kung saaan ay naungusan na nito si Vice President Sara Duterte sa performance ratings.

Ayon sa survey na isinagawa nitong Hun­yo 30 hanggang Hulyo 5, 2024, sa 1,200 respondents, majority ng adult Filipinos o 63 porsyento ay satisfied sa performance ni Speaker Romualdez na nau­ngusan na si VP Sara na nakakuha naman ng 60 porsyento sa kanyang performance ratings.

Ang bilang ni VP Sara ay bumagsak ng apat na porsyento kumpara sa kanyang 64 porsyentong performance ratings survey na isinagawa nitong Marso.

Si Romualdez ay tumaas naman ng isang porsyento mula sa kanyang 62 porsyentong performance ratings nitong March survey.

“This due primarily to the improvements in his (Romualdez) ratings in Mindanao which significantly increased by 10% from 42% to 52%. Moreover, his performance ratings also significantly improved in class ABC by 13% from 54% to 67%,” dagdag ng survey firm.

Samantala, 68 por­syento naman ang nananatiling satisfied sa performance ni President Ferdinand “Bongbong: Marcos Jr. Ito ay mas mataas ng tatlong pro­syento kumpara sa kayang 65 porsyentong nakuha nitong nakaraang survey.

Pagdating naman sa trust ratings, aabot sa 71 porsyentong Pinoy ang nananatiling may tiwala kay Pres. Marcos, o mas mataas ng dalawang p­orsyento sa kanyang nagdaang survey na 69 porsyento.

Muli namang bumaba ang trust rating ni VP Sara na nakakuha ng 65 porsyento o mas mababa ng tatlong porsyento kumpara sa kanyang trust ratings na 68 por­s­yento nitong nagdaang survey.

Show comments