Opisyal ng Army, todas sa NPA rebels

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang tinyente ng Philippine Army sa pakikipag-engkuwentro sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Lubgan, Bula, Camarines kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si 2Lt. Ramir De Leon, nakatalaga sa 9th Infantry (Sandigan) Battalion, 9th Infantry “Spear” Division ng Philippine Army.

Sa ulat, nagreklamo sa mga sundalo ang ilang residente ng Brgy. Lubgan dahil umano sa pangingikil o extortion activity ng mga armadong kasapi ng NPA sa kanilang lugar.

Agad bumuo ng isang team si 2Lt. De Leon at sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, alas-2:22 ng hapon ay sinalakay ng mga sundalo ang lugar na agad nagkaputukan.

Sa kasawiang palad ay nasapol si De Leon na nagsisilbing lider ng mga sundalo.

Show comments