Hirit ni Quiboloy kay Pangulong Marcos na ‘di siya isusuko sa US, sinopla

Ang komento ni Vasquez ay bunsod sa na­ging pahayag ng tagapagsalita ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon na haharapin ni Quiboloy ang mga kaso kung si Pang. Marcos ay magbibigay ng garantiya sa pamamagitan ng “written declaration” na una nang inihayag noong Abril ni Quiboloy.

MANILA, Philippines — Sinopla ng Department of Justice (DOJ) ang hirit ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy na maglabas muna ng written declaration si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya ibibigay sa US upang harapin ang kanyang mga kaso.

“That is a legal issue that needs to be carefully studied,” ani DOJ Undersecretary Raul Vasquez sa Saturday News Forum.

Ang komento ni Vasquez ay bunsod sa na­ging pahayag ng tagapagsalita ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon na haharapin ni Quiboloy ang mga kaso kung si Pang. Marcos ay magbibigay ng garantiya sa pamamagitan ng “written declaration” na una nang inihayag noong Abril ni Quiboloy.

Bukod sa written guaran­tee, hiniling din ni Quiboloy na ganun din ang gagawin ng PNP, NBI at CIDG.

Subalit para kay Usec. Vasquez; “no one in go­vernment can give that guarantee strictly speaking.” Nilinaw niya na ang Pilipinas ay may obligas­yon sa extradition treaty sa Estados Unidos.

Samantala, sa mensahe ni Atty. Torreon sa GMA News Online, iginiit na nasa kapangyarihan ng Pangulo na tiyakin ang proteksyon ng kanyang mamamayan.

“I respect his opinion but if he will review Section 48 of RA 11479 there is even a ban on extraordinary rendition that pertains to persons accused or convicted of terrorism, how much more to a person who is accused of human trafficking,” ani Torreon.

Show comments