MANILA, Philippines — Isang Low Pressure Area (LPA) ang nagbabanta na magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga, Davao de Oro at Davao Oriental.
Batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong unang araw ng Setyembre, malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Eastern Visayas habang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol Region at Dinagat Islands.
Sa Lunes, September 2 ay malakas na ulan din ang mararanasan sa Catanduanes, Albay, Sorsogon at Northern Samar habang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol Region at southern portion ng Quezon.
Katamtaman hanggang sa malakas na pag ulan din ang mararanasan sa Palawan, Occidental Mindoro at Antique dulot ng habagat.
Bunga nito, pinapayuhan ng Pagasa ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar at mag- ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid upang makaiwas sa posibleng flashfloods at landslides.