Mayor Joy B, PhilStar Damayan, ffcccii namahagi ng ayuda

Pinangunahan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Philippine Star president and CEO Miguel Belmonte at FFCCCII president Cecilio Pedro ang distribusyon ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong Carina sa Amoranto Stadium sa Que­zon City kahapon. Daan-daang typhoon victims ang nakatanggap ng relief packs mula sa PhilStar Damayan sa kooperasyon ng FFCCCII at sa 30 pangunahing Filipino civic and cultural associations.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na taga-lungsod na sinalanta ng pagbaha sa ginanap na typhoon relief charity project sa Amoranto Stadium ng lungsod.

Kasama ni Mayor Belmonte sa pamamahagi ng ayuda ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation na pinamumunuan ni  FFCCCII President Dr. Cecilio K. Pedro sa pakikipagtulungan ng Philippine Star Damayan civic project na pinamumunuan ni Philstar President Miguel G. Belmonte.

Umaabot sa 5,000 packs ng bigas na may limang kilo ang laman bawat isa at instant noodles ang naipamahagi sa mga sinalanta ng pagbaha kamakailan sa nasabing lungsod.

Ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation ay kinabibilangan ng 30 major Filipino Chinese business, civic at cultural federations. 

Show comments