^

Police Metro

Digong-Sara tandem sa 2028 election, itinutulak

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinihikayat ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tumakbong bise presidente sa 2028 para maging running mate ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Panelo sa isang pulong balitaan na regular silang nag-uusap ng dating Pangulo at isa siya sa nagsusulong ng Duterte-Duterte tandem sa 2028.

Payo rin aniya sa dating Pangulo na tumakbo munang mayor dahil kailangan siya sa Davao at pagkatapos sa 2028 ay tumakbo siyang bise ng anak na si VP Sara.

Tiyak din aniya na kapag Duterte-Duterte ay babalik lahat ng bumaliktad sa kanila dahil napakalakas nila.

Ayon pa kay Panelo, wala naman direktang tugon sa suhestyon niya ang dating Pangulong Duterte at sa halip ay sinabihan lang siya nito na ituloy ang adbokasiya na Duterte-Duterte.

“Open lang siya sa lahat. Hindi mo siya mako-corner. He will never tell you, ani Panelo. “Magre-respond lang siya pag may clamor,” dagdag nito.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with