MANILA, Philippines — Dead on the spot ang driver ng kotse at lima nitong pasahero kabilang ang dalawang bata nang mahulog sa malalim na bangin sa gilid ng highway ng Barangay Nagpan sa Malungon, Sarangani, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jay-Ar Mandawan, 34, driver ng Toyota Vios; mga pasaherong sina Querubin Luchavez, 39; Ernesto Sicay Moseya, 59, US national; Mary Ann Lupian, 30; kanyang anak na sina Quirvie, 5; at Quizia, 3.
Sa ulat ng Malungon Municipal Police Station at ng Police Regional Office-12, bago naganap ang aksidente ay may dinalaw na mga kamag-anak ang mga nasawi sa General Santos City at pauwi na sana sa Mati City, Davao Oriental nang maganap ang aksidente at ang sasakyan ay overloaded.
Hinala ng mga otoridad na ang driver na si Mandawan ay posibleng nakatulog na nagresulta ng malagim na aksidente.