^

Police Metro

Kotse nahulog sa bangin: 6 patay

Gerry Lee Gorit, John Unson - Pang-masa
Kotse nahulog sa bangin: 6 patay
Inisa-isang inaalis ng rescuers ang anim na bangkay sa loob ng kotse matapos itong mahulog sa bangin sa Brgy. Nagpan, Malungon, Sarangani, kahapon.
John Unson

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang driver ng kotse at lima nitong pasahero kabilang ang dalawang bata nang mahulog sa malalim na bangin sa gilid ng highway ng Barangay Nagpan sa Malungon, Sarangani, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jay-Ar Mandawan, 34, driver ng Toyota Vios; mga pasaherong sina Querubin Luchavez, 39; Ernesto Sicay Moseya, 59, US national; Mary Ann Lupian, 30; kanyang anak na sina Quirvie, 5; at Quizia, 3.

Sa ulat ng Malungon Municipal Police Station at ng Police Regional Office-12, bago naganap ang aksidente ay may dinalaw na mga kamag-anak ang mga nasawi sa General Santos City at pauwi na sana sa Mati City, Davao Oriental nang maganap ang aksidente at ang sasakyan ay overloaded.

Hinala ng mga otoridad na ang driver na si Mandawan ay posib­leng nakatulog na nag­resulta ng malagim na aksidente.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with