12 pang terorista sumuko
MANILA, Philippines — Nasa 12 pa na mga kasapi ng Dawlah Islamiya at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sumuko sa 6th Infantry Division ng Philippine Army nitong Huwebes.
Iniulat kahapon ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th ID, ang pagsuko ng grupo na resulta ng magkatuwang na pakiusap ng mga opisyal mg 57th Infantry Battalion, ng 603rd Infantry Brigade at ng mga local government units sa mga bayan ng South Upi, Guindulungan, Datu Hoffer, Datu Unsay at South Upi sa probinsya ng Maguindanao del Sur.
Unang isinuko ng grupo ang kanilang mga assault rifles, mga B-40 rocket launchers at mga anti-tank rockets, isang 60 millimeter mortar at malalakas na mga improvised explosive devices kay Lt. Col. Aeron Gumabao ng 57IB at sa commander the 603rd Infantry Battalion na si Brig. Gen. Michael Santos bago sila nangakong magbabagong buhay na sa isang simpleng seremonyang ginanap sa Barangay Mirab sa Upi, Maguindanao del Norte.
- Latest