^

Police Metro

Pagpatay kasama sa utos ni Bato sa war on drug campaign

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang pagpatay umano sa mga drug suspect ay kasama sa utos ni da­ting Philippine National Police chief at ngayon ay Sen. Ronald Dela Rosa sa pagpapatupad ng war on drugs ng Duterte admi­nistration.

Ito ang sinabi kahapon ni Police Colonel Jovie Espenido sa pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes kaugnay ng bentahan ng iligal na droga, extrajudicial killings sa implementasyon ng war on drugs at kaugnayan nito sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa pagdinig, tinanong ni Manila Rep. Joel Chua si Espenido kaugnay ng pagpapatupad ng Duterte drug war.

Matapos umanong matalaga bilang hepe ng pulisya sa Albuera, Leyte, sinabi ni Espenido na nakatanggap ito ng tawag kay Dela Rosa na buwagin ang operasyon ng iligal na droga sa kanyang hurisdiksyon.

“Ang instruction lang, na tulungan mo ako Jovie, at saka si President Duterte, about this war against illegal drugs, so dapat galingan mo ah, ikaw ang i-assign ko as chief of police ng Albuera, so dapat mawala na ‘yong mga drugs sa Albuera.’ So your honors, ‘yon ang natandaan ko,” sabi ni Espenido.

Sinabi ni Espenido na malinaw ang utos dahil lengguwaheng pulis ang ginamit.

“Your Honor, Mr. Chair, isa lang ang gene­ral word na ibigay, lahat alam na namin ang isang meaning din. ‘Pag sabi na mawala, kasali na ‘yong mamatay, that is very very obvious of us …,” sabi ni Espenido.

Hiniling ni Espenido sa quad committee na magsagawa ng executive session para mas maide­talye ang usapan nila ni Dela Rosa.

Ayon kay Espenido, kahit na nabuwag nito ang sindikato na pinamumunuan ni Kerwin Espinosa ay sinuspinde pa siya ng isang buwan at inakusahan na tumatanggap ng lagay mula sa bentahan ng iligal na droga.

Sinabi ni Espenido na pinarusahan siya dahil “tao nila” si Espinosa. Hindi nagtagal ay itina­laga umano si Espenido bilang hepe ng pulisya sa Ozamiz City upang mapatay umano siya.

vuukle comment

RONALD DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with