^

Police Metro

Ina ng Tulfo brothers, pumanaw na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabigat sa puso na ipinababatid ng pamilya Tulfo na ang kanilang pinakamamahal na ina na si Gng. Caridad Teshiba Tulfo ay sumakabilang buhay na kahapon, Agosto 27, sa edad na 97, dahil sa natural na kadahilanan.

Inulila ni Mommy Caring ang kanyang mga anak na sina Ramon Jr., Tuchi, Wanda, Ben, Bong, Joseph, Raffy, Erwin at Edel, gayundin ang kanyang mga manugang, at mga apo.

Para sa mga nais na makiramay sa pamilya, si Mommy Caring ay maaaring masilayan sa Sanctuarium, na matatagpuan sa kanto ng Arane­ta at Quezon Avenue, Quezon City, simula sa Miyerkules, Agosto 28, ganap na alas-6:00 ng gabi.

Ang kanyang mga labi ay ihihimlay naman sa Heritage Memorial Park, Taguig sa Linggo, Setyembre 1, ganap na alas-11:00 ng umaga.

Hiling ng pamilya, na sa halip na magpadala ng mga bulaklak, ay maaaring magkaloob na lamang ng donasyon sa mga religious/ charitable institution ng kanilang ina na kinabibilangan ng: 1. Account Name: Emmanuel Servants of the Holy Trinity Foundation Inc. Bank: Chinabank Acct: 1500342115 2. Account Name: Providence Home of St. Joseph - Davao Inc. Bank: BPI Acct: 0009433-0722-32.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with