Engine cadet naipit ng container van, utas

MANILA, Philippines — Isang engine cadet ang nasawi nang maipit sa pagitan ng mga container van sa wagon deck area ng isang barko, na nakadaong sa pier sa Tondo, Maynila, kama­kalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Mark Brian Bacani, 23, residente ng Woodstock Homes, Alapan 1-A, Imus, Cavite.

Sumuko naman sa mga otoridad ang dri­ver ng trailer truck na si Ronaldo Pandato, 55, ng Sampaguita Subdivision, Camarin, Caloocan City.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD) - Homicide Section, bago naganap ang insidente, alas-6:45 ng umaga sa wagon deck area ng M/V Saint Francis Xavier, na nakadaong sa Pier 4, North Harbor, Tondo ay dumaraan lang ang biktima sa pagitan ng mga container van nang aksidente itong maipit ng trailer truck na noon ay minamaniobra ni Pandato.

Isinugod ang biktima sa Mary Johnston Hospital ngunit nasawi rin.

Show comments