Magsasaka dedo sa kidlat

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang magsasaka makaraang tamaan ng kidlat habang nasa ilalim ng puno ng niyog sa Barangay Mainit Norte, Perez, Quezon, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jose Manago y Anglo, 59, may-asawa at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, alas-3:00 ng hapon ay pansamantalang sumilong sa ilalim ng isang puno ng niyog ang biktima dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Maya-maya ay kumidlat at tumama sa kinaroroonan ng biktima na naging sanhi upang ito ay agad masawi.

Show comments