^

Police Metro

Marcos at Romualdez pinasalamatan ng mga Batangueño

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang katapusang pasasalamat sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kay House Speaker Martin Romualdez ang ipinahayag ng mga residente ng Batangas matapos makatanggap ng tulong mula sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair noong Sabado.

Si Rogelio Lopez, na isang magsasaka mula Balayan, Batangas ay nakatanggap ng bigas at cash mula sa proyekto ni Speaker Romualdez na Cash and Rice Distribution (CARD).

Ang mag-aaral na si John Fajardo naman ay nabigyan din ng cash mula sa Commission on Higher Education (CHED). Aniya, “salamat Mr. President at CHED, malaking tulong po ito sa pagpasok po namin”.

Si Margie Moreno naman, na residente ng Lipa City, ay tuwang-tuwa sa tanim na cash at narra tree na nakuha niya sa Serbisyo Fair.

“Itatanim ko sa bakuran ko itong narra… ‘yung cash naman at pampa-check up ko po. Salamat kay PBBM at Speaker sa pagdala ng ganitong programa sa Batangas,” ayon kay Moreno.

Nangako naman si Speaker Romualdez na tuloy-tuloy lang ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na program ng Pangulong Marcos.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with